Pamilya sa Malacca

Christ Church Melaka_

The love of a family is life’s greatest blessing. –Anonymous

I dedicate this piece to my late father whom we commemorate his birthday yesterday.

And since my sister recently found out about my travel blog, sometimes she is spilling what I am writing to my mother. So I guess I should write it in my mother tongue🙂.

Isa sa mga dahilan kung bakit napilitan akong magkaroon ng blog ay masyado akong na-challenge sa sinabi ng aking mahal na ina.

Ina: Anak hindi kayo habambuhay na maghahanapbuhay sa ibang bansa. Kaya habang bata pa at may panahon makabubuting mag-invest kayo, ito’y para sa inyong kinabukasan. Ilang taon ka na rin nangingibang bansa pero me naiipon ka ba naman?

Ako: Sabay sabing pabiro – Madir marami, sobrang dami! Kalat ang investment ko at hindi lang sa Pinas kundi sa iba ibang lugar. Baka nga umabot sa buong mundo😉. Haha Madir, baka hindi n’yo ma-gets ang joke ko. Hayaan n’yo mga minsan makikita n’yo ang mga investment ko. Wait lang ng konti. Ito nga ang tinutukoy ko – ang aking napaka-personal na blog😛.

Karaniwang dahilan ng mga nangingibang bansa ay upang makapagpatayo ng pinapangarap na bahay, makabili ng mga magarang sasakyan, magkaron ng lupa, mag-invest sa condo, mapag aral ang mga anak o kapatid at kung anu ano pa. Ang mga ganitong hangarin ay wagas. Ang pagtulong sa pamilya na bahagi na ng kulturang Pilipino ay likas sa kahit na sinuman sa mga kapwa mamamayang nangingibambayan. Maituturing na mapalad dahil ang aking pamilyang kinagisnan ay hindi nampi-pressure at hindi kami obligado na magpaaral ng mga kapatid at require na magbigay sa magulang. Kung anuman ang bukal sa aming kalooban ay ipinagpapasalamat ng aming mga magulang. Naniniwala din naman ako na hindi natin obligasyon na paaralin o buhayin ang ating mga pamilya na sa kalaaunan kadalasan ang nagiging negatibong epekto ay ang umasa na lamang sa mga padala ng mga anak na nangingibang bansa. Sa bahagi ko, isa mga pinakapangarap ay ang makapaglakbay sa buong mundo. Kung palarin, magkaron ng pagkakataon makapaglakbay sa Antarctica!

Gusto ko rin maranasan ng aking mahal na Nanay ang mga bagay na ginagawa ko. Kaya ng magkaroon ng pagkakataon – go! Dahil hindi sanay manirahan ang aking Nanay sa lungsod, dalawang gabi pa lamang sa Singapore ay gusto ng umuwi ng Pinas at naiinip na raw s’ya dahil walang magawa. Kaya upang medyo malibang naman napagpasyahan ko ipasyal sila sa Malacca, 4 na oras na byahe sa bus mula sa Singapore. Kasama ang aking dalawang makulit na kapatid🙂.

Nakakataba ng puso, na kahit sa maliit na bagay na ginagawa mo ay sobrang na-appreciate ng pamilya mo, napakasarap sa pakiramdam. Nakakalungkot nga lamang na hindi na nasaksihan ng aming mahal na Tatay ang aming mga pagpupunyagi. Bagama’t naniniwala ako na ang kaluluwa ay patuloy na nananahan at katawang lupa lamang ang pumapanaw. Marahil ay nakikita ng aming ama ang aming mga ginagawa at sana nama’y maligaya s’ya saan man naroroon.

Narito ang ilang mga larawan ng aming paglalamyarda.

Hotel Cheng Ho Guesthouse where we stayed

Hotel Cheng Ho Guesthouse where we stayed

My beautiful sisters :-) Princess and Lovely

My beautiful sisters🙂 Princess and Lovely

Night walk along Jonker Street

Night walk along Jonker Street

Photo op with a street dancer :-)

Photo op with a street dancer🙂

Lovelly Lovely :-)

Lovely Lovely🙂

Unwinding along the riverbanks

Unwinding at the riverbanks

A visit to Mama Mary with baby Jesus

A visit to Mama Mary with baby Jesus

Hotel Cheng Ho Guesthouse where we stayed

Love or Best (shortcut for best friend). My very best friend. We can talk like adults, either she thinks maturely or maybe I think childishly😉

Princess, Love and Madir

Princess, Love and Madir

Segwey sa KL

Segwey sa KL

PEACE :-P. Hanapin ang naiba! haha

PEACE😛. Hanapin ang naiba! haha

Back to SG

Back to SG

4 thoughts on “Pamilya sa Malacca

  1. I can relate, my parents didn’t oblige me to send remittance, but it’s my initiative of saying thank you… I hope I can bring my mom as well overseas, and have her experience what we had. Cheers sa mga mababait na anak gaya natin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s