At A Crossroads

At A Crossroads_ May mga panahon na mas makabubuting ilahad ang saloobin sa sariling wika upang hindi maunawaan ng kinauukulan. Bagama’t may google translation, napagtanto kong hindi naman tumpak ang pagsasalin ng kahulugan😉.

Magandang pagkakataton din itong mahulma pa ang kasanayan sa aking kinagisnang linggwahe. Ang akin lamang intensyon na sa paglalahad ay maisaproseso ang kasalukuyan kong pinagdadaanan at maaring pagkatapos ng paghihibla nito ay maunawaan ko at maging maliwanag ang mga bagay bagay.

Nakakahiya mang aminin. Nagbitiw na muli ako sa aking trabaho. Makalipas lamang ang isang buwan at kalahati. May mga desisyon ako na minsan hindi ko rin lubos na maunawaan. Na kahit na anupang klaseng lohiko at rasyunal na pag iisip ay hindi uubra. Ang dahilan ko kasi maaring sobrang babaw. Walang lalim. Parang hindi masyadong pinag isipan. Gusto ko lang ulit maglakbay. Sobrang gasgas na ang linyang: “I was beaten by a travel bug.” In my case, it may sound hyperbole: “I was eaten by a travel bug!”😛. May masidhing pagnanasa na maituloy ang naumpisahan sa nakalipas na anim na buwan. Ang bilis lang kasi ng panahon. At pag namalagi ako sa kasalukuyang kong hanapbuhay pakiramdam ko’y maraming panahong masasayang.

Nasa linya ng pakikipagrelasyong publiko ang isa sa natural kong kinahihiligan. At nagpapasalamat ako sa binigay na pagkakataon na magkaron ulit ng direktang pakikipagtalastasan sa lahat ng uri ng tao sa mundo. Magandang pagkakataon din ito na masubukan kong gamitin ang mga teoryang itinuro sa kasalukuyang linyang tinatahak. Pero may mga ibang bagay na akong gustong gawin na tutumbok sa aking mga pangarap na nais isakatuparan sa hinaharap. At base sa aking personal na konbiksyon kailangang kong maglakbay muli upang matutunan ko ang aral na magagamit sa pagsasakatupran ng mga pangarap.at a crossroadsHindi ko lubos na matanto kung gumagawa lamang ba ako ng dahilan upang makapagbalik sa paglalakbay? O dahil sa may dahilan naman talaga danga’t nga lamang parang hindi katanggap tanggap sa normal na konteksto ng pangkaraniwang buhay.

###

6 thoughts on “At A Crossroads

  1. Mafs,

    Sam as Carms. Noticed wala kang FB. Am at Singapore airport ngayon. Sayang wanted to get in touch at Saka Plano kami ni Carms to meet up on May 29 when I have another layover in SG. How can I get in touch with you? Can you still receive emails sa yahoo mo madam? Saan ka ngayon?

    • Hi Kate!
      Just get your message! Where will you heading to? Still at work. Won’t be around SG over the weekend though. But I could meet you and Carms next week before you go to NZ. You still have my SG mobile? And my email – yes please drop me a message!🙂 Thanks. Will see if fb will be back soon😉. See you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s