Mayo na pala…

Ang anumang agwat ay di mararating kung titingnan lamang at di lalakarin. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ang arkitekto ng sariling kapalaran.  –Koleksyon ni R. Esto, 1991

Sabay napatingin ako sa kalendaryo sa kaliwa ng aking mesa, Mayo na pala

Agh –  –  –  am!!! Sa kauna unahang pagkakataon nasabon ako ng pinuno ko. Kasalanan ko naman, aminado ako. May mga naninilip na at nanunulsol dahil sunod sunod ang aking pagliban sa trabaho dahil sa sunod sunod na paglalakbay. Sumasagi pa rin sa isip ko ang magbitiw sa trabaho.

PERO hindi PWEDE.

May kasunduan akong kamakailan lang ay aking pinirmahan. Pag aaralin ako ng aking kumpanya. Kapalit ang kasunduan na mananatili ako ng hindi bababa sa loob ng isang taon.

Sobrang napahiya lamang talaga ko. Pinatawag na lang sana ako sa mismong silid ng aking pinuno para dun na lang ako sermonan. Sa publiko pa, sa harap ng aking (mga) katrabaho. Wala akong mukhang maiharap. Nanliliit ako. Pakiramdam ko napako ako sa aking kinauupuan. Naiiyak ako. Pero kung ito ang kapalit sa mahigit na isang linggo kong pagkawala, tatanggapin ko na lang. Hindi nila maiaalis na hamak na mas makulay ang aking buhay sa labas ng apat na sulok ng silid na aking kinalalagyan ngayon. Gayunpaman, habangbuhay akong magpapasalamat sa aking trabaho at sa nagbibigay ng trabaho. Ito ang dahilan kaya ako nakakapaglakbay.

Ayokong magbigay ng impresyon na hindi ko gusto ang trabaho ko, mahal ko ang trabaho ko. At ang ginagawa ko sa ngayon, dati ay isang pangarap lamang. Pero kung titimbangin, mas matimbang pa rin sa akin ang paglalakbay.

Ang pinaka mahalagang aral sa nangyari ngayon:- Never ever create a PATTERN. It’s DANGEROUS (period).

6 thoughts on “Mayo na pala…

  1. aayy ayyy may mga inggit at hindi makapaglakbay kaya naninilip hahahaha mga detractors..puntahan mo sa mesa sabay sabi: “Time spacewarp ngayon din!” …back to work ka na pala😀 kelan tayo magkakape?

    • Hi mystery girl =). Kasalanan ko naman talaga, pero sa tingin ko lang mali ang approach na ginawa ng aking pinuno. Hindi ko alam kung ano motibo nya. Tama ba namang isumbat pa ang mga nakaraang pagkakamali na taon na ang lumipas. Haiiii, buhay talaga. But I don’t want to dwell so much on this that’s why I quickly created a new post. Ang saya pa naman ng recent adventure ko.

      Girl try natin ng weekend. You have my number. San ka ba nag stay? Sa east part ako =).

      Thanks for dropping by!

  2. Nyahaha! Natawa ako kay outonvacay kilala si Shaider haha!

    Ganito lang yan Mafey, isipin mo nalang kaya ka nila pinagalitan e dahil siguro asset ka na sa office nyo. Hindi ka naman siguro oofferan ng further trainings kung di nila gusto ang trabaho mo. Take it as a compliment especially dayuhan ka. Just imagine ang dami ng naghahanap ng trabaho sa Singapore, they could have easily fired you and hired the next girl and asked her to work while wearing a thong and she will do it. Hirap buhay e. So okay lang yan. Sabe nga sa The Devil’s Wears Prada, a million girls will kill for that job😀

    • Hahaha, Drew natatawa ako sa mga comment nyo! sobrang lol. Talagang may thong ka pang nalalaman at isama pa ang Prada hehe.
      outonvacay, kala ko kay Bioman yung line, ke Shaider pala hehe.

      Napabasa tuloy ako sa polisiya ng aming Aklat ng mga Empleyado. At ayon nga sa ispesipikong artikulo, pede akong patalsikin sa ginawa ko. Hindi kasi nagpapaalam nasobrahan sa lakwatsa hehehe. Pero peaceful na ngayon, tahimik na ang paligid =).

      Thanks for helping me look at that way and thanks for lighten up!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s